Skip to main content

Ano ba ang HRT at para sayo ba ito?



HRT - Hormone Replacement Therapy.

Basically ang term na HRT among the trans community ay ang use ng hormones as gender-affirming. Meaning, sa transwomen, ito ay ang pagkakaron ng physical characteristics ng isang babae at sa transman naman ay sa isang lalake.

Kailangan ba ito at bakit ito ginagawa?

Lahat ay ayon sa isang individual. May mga transwoman and transman na di naman dumaan sa HRT, ito ay maaring dahil choice nila at sa iba naman dahil may underlying medical conditions na hadlang o pwede rin it's because of economic reasons. Whatever reason ng brothers and sisters nating mga trans, we should still accept and love them as one of us.

Sa mga Trans Pinays ang pagiging feminine ay naging parte na ng kultura natin, ang pag gamit ng hormones ay para mabago ang hormone levels ng katawan at i-match ang ating gender identity. Ito ay nagiging daan upang magkaron ng quality life to relieve discomfort from assigned sex at birth and match our characteristics.

Sa article at website na ito ay mas bibigyan ng pansin ang "feminizing" para di masyadong mahaba at nakakalito ang mga information. However, magkakaron ng section para sa transman, kung saan, ang pagiging masculine naman ang main focus.

Ano ang naitutulong ng HRT:

  1. Para ma-relieve yung stress psychological and emotional.
  2. Ma-improve ang sexual behavior and confidence.
  3. Mas maging physically manifested ang feminine characteristics.
  4. Basically, improve quality of life.

Ang feminizing hormones or HRT ay relatively safe naman and effective. Pero, it can also be unsafe and damaging if walang pagiingat. Tandaan natin na hindi dahil available ay ibig sabihin ay para na ito sa atin. At the end of the day, ito ay mga gamot na may maganda mang maidudulot mga medical professionals at experts parin ang makakapagsabi kung pwede ayon sa kalusugan at estado ng pangangatawan ng isang individual.

Maraming success stories na makikita online. Pero tandaan, there are factors that affects feminizing and yung individual na bilis ng effects tulad ng: Your own default hormone levels, your body's natural response sa hormone intake at age. Pero ayon nga sa studies ng experts, highly individualized at results at hindi ito dahil lamang sa dami at klase ng HRT na ginamit.

"Trust the process" sabi nga ng mga trans sisters natin. Ang proseso ng HRT para sa mahusay at ligtas na paraan ay having faith, patience and most importantly self-care.

Happy road to vavaihan.

Comments

Popular posts from this blog

Phenokinon F: Gaano kadalas ang minsan? Gaano karami ang onte?

So sa new to phenokinon f users, usually ang common question is, gaano kadalas dapat ang pag inject? Well. Serious mode muna tayo.  Frequency ng injection pwede syang based sa amount of dosage na need. In short, only a medical professional na nagbasa ng lab test mo at nag aalaga sa endocrine system mo ang makakapagsabi. Wag na tayo maglokohan, mahirap ma achieve ang access sa doctor and most are really self-medicating. My blog is NOT promoting self-medication and treat this information as general curated information lamang sis.  Frequency ng Phenokinon F is recommended ng karamihang trans sisters who has been using it for years to be 1 ampoule every 3 to 5 days. Important na i-note natin sis na if you are also taking oral Estrogen HRT combined with the Phenok injection, reasonable naman to inject Estradiol Benzoate ng 5mg lang din talaga around 5 days. Hindi sya pwedeng madaliin, kasi tandaan ang magsa-suffer ang liver mo.  Both Estradiol Benzoate and Progesterone in P...

Phenokinon F Injections: Tama ba para sa iyong HRT?

Sa mundo ng pharma ang tawag sa pamilya ng mga gamot kasali ang Phenokinon F ay EB/P4 or mas madaling maintindihan at nakalagay din naman sa box as  Estradiol benzoate/progesterone. Marami namang gamot na ganito ang composition at prices range from affordable to very expensive tulad ng mga brand names na: Duogynon, Duogynon ampule, Duogynon forte, Duogynon simplex, Duoton Fort T P, Emmenovis, Estroprogyn, Gestrygen. Wala naman akong sina-suggest sa mga brand names na yan, gusto ko lang i-point out na Phenokinon F is just among the many brands out there na available ang hormone combo preparation na ito.  let's talk about Phenok...  Is it a good type of HRT for you? This greatly depends sa iyo sis. If keri mo ang injections, side-effects and sometimes (down time) why not!  Masakit nga ba kasi oil-based at bakit oil ang ginamit?  Yung viscosity (lapot) ng gamot ay totoong may effect and it can cause discomfort kung oil kasi, viscous ang oil. Oil ang used nila ...

Mga benefits ng HRT, pagusapan natin

Bakit marami sa Trans Pinay ang under sa HRT or Hormone Replacement Therapy?  So today, itackle natin mostly is the feminizing HRT, kasi syempre, I am a transwoman and I know little or even very little sa masculinizing besides what I may have learned from school.  Today dito sa Philippines mas madami na ang transwoman na under ng HRT because they have access to the therapeutic medicines and di rin natin madedeny na, madami narin knowledgebase circulating around the internet and among peers. So bravo! We finally achieved something good with information technology.  Hormone Replacement Therapy is one of the many ways na makapagtransition tayo to match our sense of gender identity. Physical, emotional and psychological benefits are surely there.  May mga ideal and need to be discussed components are best HRT and siguro need itong malaman ng maraming transgenders to achieve the best possible individual result.  1. Male Blockers. Antiandrogen. Antitestosterone. (mada...